Gloc 9

Salbahe

Gloc 9
Lagot ka sa nanay mo
Palo ka na ng tatay mo
Ba't ganyan ang ugali mo
Huli ka, wag kang tatakbo
Mga salbahe, hindi kasali
Dun sa naghahanda kang itali
Mga salbahe, hindi kasali
Dun sa naghahanda kang itali

Makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento
Malamang ay ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo
Parang kapit-bahay ko si kadyo, ugali niya'y tabingi medyo
Sa umaga'y pabili neto, sabay tungga sa bote ng anyeho
Bakit di pa ikaw ang nadedo, yun pang kapatid mo na si beto
Na wala nang ginawa kundi kumayod para ang mesa ay kumpleto
Di tulad mo na lasenggo, palaging nasa basag-ulo

Ikaw ay suki ng kalaboso, laging nasa punot-gulo
Kadalasan pa ika'y bastos, di ka marunong magkuskos
Isip-bata ka pa sa musmos, mukha ka na parang may luslos
Kelan ka pa magbabago, eh pano?
Kung wala nang maniwala sa mga nagreklamo
Alam ko ang pwede mong sabihin sa akin ay

Wag kang makialam
At ang lahat ng mga nangyayari sa bahay
O buhay mo'y di ko alam
Pero pano ba yan, palaging tandaan
Ito ay kanta ko hindi ba?
Kaya wala ka nang magagawa, narito na ang tanya markova

Lagot ka sa nanay mo
Palo ka na ng tatay mo
Ba't ganyan ang ugali mo
Huli ka, wag kang tatakbo
Mga salbahe, hindi kasali
Dun sa naghahanda kang itali
Mga salbahe, hindi kasali
Dun sa naghahanda kang itali

Makinig sa mga kwento na
Kahit medyo inimbento
Malamang ay ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo
Itong guro ko na masungit
Pangala'y ginang buenaofra
Parang ayoko nang pumasok
Kase kung makatingin ay parang cobra
Pinagiinitan, ginigisa, ako'y animo'y talong na tinorta
Di na nga matapos sa pagsusulit
Wala pang makuha na suporta
'Pag minamalas ay merong batok
Pag napalakas ay parang dagok

Kaliwa man o kahit na kanan
Parang 3 points ni ronnie magsano
Ang pabaon lagi ay burong
Dapat mataas ang marka sa bunot
Buhok ay sanay na sa pagsabunot
Kaya noo'y natakot sa pagkakulot
Mawalang galang na po ma'am, di po ba kayo makaramdam
Sino pong maysabing ang mga pananakit niyo'y

Parang kagat lang ng langgam?
Alam mo ba ganito? Sabihin sa
Akin ay wag kang makialam
At ang lahat ng mga nagyayari
Sa bahay o buhay mo'y di ko alam
Pero anumang balakid 'yan
Kaya wala ka nang magagawa
Narito na ang tanya markova.

Lagot ka sa nanay mo
Palo ka na ng tatay mo
Ba't ganyan ang ugali mo
Huli ka, wag kang tatakbo
Mga salbahe, hindi kasali
Dun sa naghahanda kang itali
Mga salbahe, hindi kasali
Dun sa naghahanda kang itali

Makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento
Malamang ay ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo
Pinakikilala ko sa inyo kaibigan ko si onse
Kase palaging may sipon, jumijingle dun sa kahit saang poste
At kahit pa sa edad na dose, madami na siyang nalooban na kotse
Palakad-lakad sa mabalakad, nilalapitan kahit na sinong prospe
Upang makahingi sa'yo ngkahit na konte, akin na bente pesos
Kase pambili ng gamot, para dun sa kapatid ko na si remedios

Pero ang totoo po niyan
Para di kumalam ang kaniyang tiyan
Sa tindahan ng semento pagbilan
Ng pandikit ng sapatos oh ayan!
E-e-e-enhale, exhale.. Pwede ba
Tigilan mo na nga yang rugby

Hindi ba tama naman ako sabi
Nila, tatay mo sakin exactly
Pero alam ko kung anong pweden
Mong sabihin sa akin ay wag kang makialam
At ang lahat ng mga nagyayari
Sa bahay o buhay mo'y di ko alam.
Pero anumang balakid 'yan
Kaya wala ka nang magagawa narito na ang tanya markova.

Lagot ka sa nanay mo
Palo ka na ng tatay mo
Ba't ganyan ang ugali mo
Huli ka, wag kang tatakbo
Mga salbahe, hindi kasali
Dun sa naghahanda kang itali
Mga salbahe, hindi kasali
Dun sa naghahanda kang itali

Encontrou algum erro na letra? Por favor envie uma correção clicando aqui!