Torpedo
Gloc 9Pasensya na kung ako ay hindi nagsasalita
Tandang tanda ko pa simula pa nang mga bata pa tayo
Una kang nasilayan nang lumipat ka saming baryo
Nilapitan ka't kinausap at tayo'y naging magkaiban
Laging mong kakwentuhan sa umagahan natin na tambayan
Di ko alam kung bakit damdamin sadyang napalapit
Gustuhin ko mang sabihin ako'y kaibigang matalik
Ng lalake na sayo'y gabi-gabi ang panliligaw
Ika'y sakin nagtanong at para bang nagpahapyaw
Na ako ang syang nakakaalam kung ano ang mas tama
Kung oo o hindi at kung saan ka liligaya
At sinabi ko ang taong yan ay mapagkakatiwalaan
Di ka sakin sumagot nabalitaan ko na lang
Chorus:
Wag mo na akong pilitin
Ako ay walang lakas ng loob para tumanggi
Walang dapat ipagtaka
Ako ay pinanganak na torpe
Sa ayaw at hindi
Lumipas ang 10 taon nasa Maynila ka na raw
Hindi kayo nagkatuluyan may trabahong di sa araw
At kinukulayan ang mga labi mo sa gabi
Upang takpan ang iyong lungkot at ang luha sa iyong ngiti
Ako'y nagsisi, kung alam ko lang di sana'y noon pa
Hindi ko na pinagpaliban ang aking nadarama
Kung bibigyan lang ako ng isa pang pagkakataon
Ibabalik ko kung ano man ang mayroon tayo noon
Isisigaw ng malakas hindi ko na ibubulong
Damdamin ko para sa'yo dalangin sana'y may tugon
Na ang noon ay mahawakan at makasama ngayon
Hanggang bukas at sa marami pang susunod na taon
Repeat Chorus
Isang gabi habang ako'y nakaupo sa harapan
Ng aming bahay at tila ba nakatulala sa buwan
Ay may isang babae na sakin lumapit at nagsalita
Hindi nakapagsalita ako'y napatulala
Lubos ang aking ligaya hindi makapaniwala
Siguro'y panahon na upang kami'y magkasama
Hinawakan ko ang kanyang malambot na palad
Singsing na may bato ang sa akin ay tumambad
Ikaw pala'y ikakasal at sa akin ay magpapaalam
Di na nakuhang sabihin at sayo'y ipaalam
Ang tunay kong nadarama bakit parang alam mo na
Sa pagtalikod at may tumulong luha sayong mata
Repeat Chorus
Pasensya na kung ako ay hindi nagsasalita 2x