Choco latte
Parokya ni edgarMahirap kumain ng tsokolatteng
Natunaw at parang wala nang korte
Kadiri nang kainin, mukha ng tae
Ewan ko ba kung bakit
Mahirap ibalik
Sa original na hugis
Pag nalusaw na sa init.
Parang tiwala pag nasira na
Mahirap nang ayusin pa
Di kayang ipagdikit ang tiwala
Pag napunit!
Parang nangyari kailan lang...
Meron akong nakita'y nakatagong
Regalo sa likod ng auto mo!
Hugis puso na kahon at may red na
Ribbon.(mamahaling tobleron)
At nung aking tingnan para sa yo
Mula kay Christian, agad kong
Binuksan, chocolate ang laman.
At di ko malaman kung ba't kailangan
Itago sa akin ang katotohanan
Ang dami-dami mo palang tsokolate
Hindi ka man lamang nagsasalita-e
Ewan ko ba kung bakit
Hindi ko napigilan
Ang regalo mo'y naubos ko nang
Di ko nalalaman!
Parang tiwala pag naubos na!
Bigla bilaan talaga!
Mahirap nang makita
Kapag minsa'y nawala...
At kahit na pilitin, di mo
Na mapapalitan
Kahit hanap-hanapin,
Di mo na mababalikan
Kahit sabihin natin
Na ika'y napagbigyan,
Wag na lang.
Ewan ko ba kung bakit
Mahirap tanggalin ang tsokolate
Pag natunaw at kumapit na sa ngipin!
Parang tiwala pag namantsahan na!
Mahirap nang linisin pa,
At kayang di burahin
Kahit na anong gawin! Parang tiwala!