Imago

Sundo

Imago
Kay tagal kong sinusuyod ang buong mundo
Para hanapin, para hanapin ka
Nilibot ang distrito ng iyong lumbay
Pupulutin, pupulutin ka

Sinusundo kita, sinusundo

Asahan mo
Mula ngayon pag-ibig ko'y sa'yo(2x)

Sa akin mo isabit ang pangarap mo
Di kukulangin ang ibibigay
Isuko ang kaba tuluyan kang bumitaw
Kaya manalig, manalig ka

Sinusundo kita, sinusundo

Asahan mo
Mula ngayon pag-ibig ko'y sa'yo

Handa na sa liwanag mo
Sinuyod ang buong mundo
Maghihintay sayo'ng sundo

Asahan mo
Mula ngayon pag-ibig ko'y sa'yo

Encontrou algum erro na letra? Por favor envie uma correção clicando aqui!