Mnl48

Palusot ko'y maybe

Mnl48
Binibilisan ko na
Ang pagbibisikleta
Pinapawisan na pagod ay wala
Basta ikaw ay nakita
Dahil nung bakasyon
Ay hindi ka nakita
Hindi ko maintindihan
Bakit miss kita

Kaibigan akala ko
Hanggang doon na lang tayo
Pero bakit nga ba ikaw ay
Ikaw nga ay namimiss na

Maybe, maybe
Siguro ay gusto na kita
Walang kaulap-ulap
Sa bughaw na langit
Maybe, maybe
Siguro ay gusto na kita
Kahit na sa sarili ko
'Di maamin ang totoo
Palusot ko'y maybe

Kapag nakikita ka
Iniisip bakit ba
Parang may nagbago 'di na bata
Ang kilos at itsura mo
Nang ako'y tanungin mo
Kamusta ang bakasyon mo
Bakit naguguluhan
Ako'y nabubulol na

Ikaw pa rin ba'ng dating kasama
Sa bawat lungkot at saya
Kapag tinitignan ka
Bakit ba
Parang iba

Maybe, maybe
Naguguluhan ako
Siguro ikaw ay gusto
Lihim na itatago ko
Maybe, maybe
Kahit ako ay sigurado
'Di aamin sa totoo
Kahit na sa sarili ko
Palusot ko'y maybe

Minamahal ka
Nasasaktan na
Dahil 'di ko kayang wala ka
Minamahal ka
Nasasaktan na
Ito ang totoo
Gusto kita
Gusto kita
Gusto kita
Dito sa puso ko
Totoo na gusto kita

Maybe, maybe
Naguguluhan ako
Siguro ikaw ay gusto
Lihim na itatago ko
Maybe, maybe
Kahit na ako ay sigurado
'Di aamin sa totoo
Kahit na sa sarili ko
Palusot ko'y maybe

Encontrou algum erro na letra? Por favor envie uma correção clicando aqui!