M.y.m.p.

Sayo lamang

M.y.m.p.
Sa 'yo Lamang
Sa bawat araw na nilikha
Nagtatanong ba't di makita
Ang magpupuno ng ligaya
Kapiling tuwing nag-iisa
Sa tuwing lungkot ay magbabanta

Di akalain na ako'y mahalin
Di napansin ng ako'y iyong sagipin
Ng pag-ibig mong tunay
Nawalay ang lumbay
Ngayong kapiling ka sa buhay

[chorus]
Sayo lamang panatag ang loob
Sayo lamang umibig ng lubusan
Panalangin, ito'y panghabang-buhay
Pagkat sa piling mo
Ramdam ng puso ko
Sayo lamang ang buhay ko'y buo

Di akalain na ako'y mahalin
Di napansin ng ako'y iyong sagipin
Ng pag-ibig mong tunay
Nawalay ang lumbay
Ngayong kapiling ka sa buhay

[chorus]

Di ko hinanap
Dumating ang siyang pangarap
Wag ng mawalay pa
Tadhanang kay ganda

[chorus]

Pagkat sa piling mo
Ramdam ng puso ko
Sayo lamang ang buhay ko'y buo

Encontrou algum erro na letra? Por favor envie uma correção clicando aqui!