Kumapit ka na
SevenesKumapit kana!, sa'king kamay, at wag kang bibitaw
Humawak kana sa'king kamay, sabay tayong sisigaw
(1st Verse)
Di mo ba marinig, ang sigaw ko puno ng galit
Dahil subalit di respetohin, luha binuhos sa langit
Ang bawat oras na ako'y nag iisa
Di malaman ang dahilan kung mali ba aking ginagawa
Buhay ka pa ba... ?, o' kaya patay ka na ba?...
Ang bawat ugat saking panga, naputol dahil sa lakas ng pag salita
Di mo ba ito makita?...' puso ko sumisiklab pa
Dahil nawalan sa sarili, nasobrahan sa mga problema
Droga, alak, hiphip sa marijuana,
Pati na rin ang utak nya ay wasak wasak na
Cigarilyo hindi maubos, pilter sinagar pa
Ano ang dahilan ng lahat bakit sya pa nabiktima
Luha pati dugo at pawis di ko na makaya,
Ayoko na hirap na!, hindi ko na madala!
Sa bigat ng malas, ang palad ko ang sanga, putol na!
Imaginin mo na lang, katulad nyang gustong... "na magpakamatay"
(Chorus) x2
Kumapit kana!, sa'king kamay, at wag kang bibitaw
Humawak kana sa'king kamay, sabay tayong sisigaw
(2nd Verse)
Labas pasok ang usok
Suntok pinto, puno ng galos
Hawak ang baril sa ulo, bigla nya itong tinutok
Ang isip nasa impyerno, sya ngayon ay nasa dulo
Hindi na masagip, pagkalabit ulo nya ay sasabog
Nagiisip sya kung magbigti, mag laslas, mag lason
Tumalon sa building, o' kaya sya ngayon ay mag sunog
Subalit huli na ang lahat, dahil may bala na ng nakasuksok
Nakakasa, handa ng pumutok nakalapat
Ilang segundo na lang, at lahat ng kanyang pangarap
Ay mawawala, bali wala, di kaya, di matangap
Dyos bakit ba ang hirap! ? pakibasa na lang ang sulat
Para sa lahat na nagmamahal sa akin ay salamat
Ang sabi nya ay patawad... ang buhay nya'y walang kasukat
Kung di kamatayan, dyos bigyan nyo sya ng pag asa
Baguhin natin ang systema, alisin tangalin ang
Pagka demonyong kaisipan! ah kaisipan!
(Chorus) x2
Kumapit kana!, sa'king kamay, at wag kang bibitaw
Humawak kana sa'king kamay, sabay tayong sisigaw
(Bridge) x4
Ang ulan ay kanyang luha
Sigaw sa pagdudusa
Kidlat ay kanyang galit na umuukit sa lupa!
(Chorus) x2
Kumapit kana!, sa'king kamay, at wag kang bibitaw
Humawak kana sa'king kamay, sabay tayong sisigaw.