Mata ng diyos
Wolfgangako'y ginising ng ihip ng hangin
ang sikat ng araw, makulay
sa tabi ng ilog
parang may tumatawag, pabulong
ako'y lumapit sa puno'y may natanaw
dumilim ang araw
bumigat bigla ang aking dibdib
tibok ng puso'y bumilis
ako'y hindi mapakali, ako'y naduduwal
sa pagtitig ng kanyang mata
ako'y kanyang hinusgahan
ligaya kong naramdaman
binawi sa akin
at hindi ko maalala
kung saan galing ito
mga bahid ng dugong dumikit sa aking mga kuko
tumakbo, lumayo sa lugar na 'to
lalamunan ko'y tuyung-tuyo
tumakbo, lumayo sa titig mo
sa mata ng Diyos
biglang umikot ang paningin
liwanag ng araw biglang dilim
malambing na ihip ng hangin ngayon ay matalim
ako'y nawala sa aking sarili
pati ang lupa'y gumanti
bato't bundok at puno man
sumisigaw, sumisigaw...
at ngayon ko nakikita
ang lahat ng kasalanan, tinaboy sa ulan
init at kamunduhan
tumakbo, lumayo sa lugar na 'to
lalamunan ko'y tuyung-tuyo
tumakbo, lumayo at magtago
sa mata ng Diyos
mata ng Diyos...
inalok ako ng isang ahas
pula't matamis na mansanas
pilit ko man hindi makaiwas
sa mata ng Diyos